Simula ngayun, ang website na ito ay magreredirect sa https://bced-umc.org/
Ang The Upper Room daily devotional gudie ay unang nailathala (sa Ingles) noong 1935. Ang unang mga naimprinta ay kinulang ng 100,000 na kopya dahil ang una nitong issue, Abril/Mayo/Hunyo 1935, ay mabilis na naubos. Ang mga tauhan ay nag-order ng 160,000 na kopya para sa ikalawang issue at 211,000 na kopya para sa ikatlong issue. Sa ika-pitong issue, ang inilimbag na kopya ay umabot sa kalahating milyon.
Ang mga indibidwal ay inanyayahan na magbigay ng nilalaman para sa pang-araw-araw na mga entry at ang bibigyang-diin ay sa mga personal na kwento ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Pagkatapos mailathala ang magazine, ang mga mambabasa nito ay kaagad na nagsimulang magsulat at magpadala ng mga debosyonal na nagpapahayag ng kanilang mga personal na kwento tungkol sa kanilang pananampalataya. Noong 1938, ang magazine ay naglalathala ng mga debosyonal na isinulat ng mga ordinaryong mambabasa, hindi lamang mga inanyayahang manunulat. Sa issue ng Enero / Pebrero / Marso 1939, wala pang apat na taon pagkatapos ng unang isyu, ang sirkulasyon ay umabot sa nakamamanghang isang milyong kopya.
Sa paglipas ng maraming taon, ang maliit at minamahal na magazine ay nagpausbong sa global ministry na ngayon ay nakaabot na sa milyon-milyong tao sa buong mundo, sa higit sa 100 bansa, sa mahigit 30 wika.
Ang Kasama ni Jesus (KNJ) ay ang Tagalog edition ng The Upper Room Daily Devotional Guide. Ito ay makakatulong sa bawat mananampalataya o pamilya na nagdaraos ng pagsambahay o debosyon sa araw- araw. Ngayong panahon ng pandemya, pwede tayong magbigay ng kopya sa mga nangangailangan. Ibahagi ang pananampalataya sa pamamagitan ng mga donasyon.